NAKABAWI ang Team Philippines nang gapiin ang Qatar, 92-81, Lunes ng gabi sa closed-door match ng 2019 Fiba World Cup Asian qualifiers sa Smart Araneta Coliseum.

 ARUY! Napangiwi si Paul Erram ng mahampas sa mukha ng Qatar defender sa pagtatangkang makaiskor sa lay-up sa isang tagpo ng kanilang laro sa FIBA World Asian Qualifying Lunes ng gabi sa Araneta Coliseum. Nagwagi ang Pinoy, 92-81. (RIO DELUVIO) (kabuuan ng istorya sa page 15)

Pinangunahan ni Scottie Thompson ang ratsada ng Nationals sa kaagahan ng laro, bago nakipagsanib puwersa sa kanyang Ginebra teammate na si Japeth Aguilar para masiguro ang panalo.

Hataw si Aguilar sa naiskor na 16 puntos ay siyam na rebounds, habang nag-amabg sina Alex Cabagnot at Stanley Pringle ng 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Iskor:

PHILIPPINES (92) - Aguilar 16, Cabagnot 16, Pringle 13, Belga 11, Lee 8, Wright 6, Lassiter 5, Sangalang 5, Erram 4, Thompson 3, Taulava 3, Norwood 2.

QATAR (81) - Mohammed MY 26, Al-Rayes 17, Ngombo 17, Khalid 10, Mohammed MH 4, Abdelbaset 3, Gueye 3, Abdelhaleem 1, Avdic 0, Lashin 0.

Quarterscores: 15-26, 39-52, 67-64, 92-81.