FOLLOW-UP ito sa nasulat namin tungkol kay Moira Dela Torre na nag-show nang libre sa Laoag City, Ilocos Norte nitong Setyembre 11, para sa I Millennial Fest.

Moira copy

Naglabas ng saloobin si Moira sa kanyang Twitter account na hindi niya nagustuhan na hindi nilinaw ng producer ng show na ang nasabing pagtatanghal ay para sa 101 Years Marcos Festival.

Dahil dito, nakatikim ng pamba-bash si Moira mula sa mga Marcos supporters, sinabing alam daw ito ng management company ng singer.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hiningan namin ng panig ang Cornerstone Entertainment, Inc., na noong una ay nakiusap na huwag na naming patulan ang isyu para kusang mamatay, dahil lumalaki ito at marami na ang nadadamay.

Pero sadyang makulit kami at sinabi naming kailangan ang panig nila.

Narito ang pahayag ng isang Cornerstone tungkol sa isyu:“Considering that the name of the fiesta event in Ilocos Norte held last September 11, 2018 was changed from ‘Ilocano Millennial Night’ to ‘Marcos Fest’, Cornerstone Entertainment, Inc. wishes to clarify that Moira’s performance in said fiesta was non-political in nature as she neither endorses nor is she affiliated in any way with Marcoses. The performance was solely made for the warm people of Ilocos Norte in relation to the celebration of their fiesta.”

Hayan klaro na, sana manahimik na ang lahat.

-REGGEE BONOAN