Inilunsad na ang Department of Trade and Industry (DTI) Suking Outlet, isang Producer-2-Consumer market program na pantapat ng kagawaran sa mga negosyante na sobrang taas ng presyuhan sa mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na may pagpipilian na ng mga murang bilihin ang mga consumer sa paglulunsad ng rolling stores sa barangay hall ng Commonwealth sa Quezon City, habang isa pa ang binuksan sa Valenzuela City.

Tiniyak ng kalihim na lahat ng presyo ng bilihin, tulad ng bigas, meat products, mga gulay at iba pa, ay alinsunod sa suggested retail price (SRP), dahil direktang kinukuha ang mga ito mula sa mga producer.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA), National Food Authority (NFA), United Broilers Growers Association, rice producers, at manufacturing companies, regular nang makikita sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang mga DTI Suking Outlet.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

-Beth Camia