Tinatayang nasa limang milyong Pilipino ang walang trabaho nitong ikalawang bahagi ng 2018, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa nationwide survey noong Hunyo 27-30 sa 1,200 repondents, 12.5 porsiyento, o nasa limang milyong Pilipino ang unemployed, batay sa definition ng Labor Force Survey (LFS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sakop ng 12% (4.8 milyon) ang mga hindi nagtatrabaho, naghahanap ng trabaho at maaari nang magtrabaho; at ang 0.4% (179,000) na hindi nagtatrabaho at maaaring magtrabaho, ngunit hindi naghahanap dahil sa iba’t ibang rason.
Sa inilabas na ulat ng SWS nitong Setyembre 12, 19.7% ang adult joblessness o tumutukoy sa populasyon ng mga nasa tamang edad (18-anyos pataas) na para maghanapbuhay.
Habang ang ginagamit na batayan ng mga opisyal ng PSA sa lakas-paggawa ay laging simula 15 anyos.
-Ellalyn De Vera-Ruiz