Nasa 4,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) sa Quirino Grandstand at sa iba pang lugar sa Maynila, upang magbigay ng seguridad sa mga aktibidad na idaraos kaugnay ng paggunita sa deklarasyon ng martial law (ML) sa Biyernes, Setyembre 21.

Kaugnay nito, nagkasundo ang pulisya, ang iba’t ibang grupong militante, at ang mga relihiyosong grupo sa pagtiyak na magiging mapayapa ang paggunita sa martial law declaration sa Biyernes.

Sa ginanap na dayalogo sa Club Intramuros sa Maynila kahapon, na dinaluhan nina National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Guillermo Lorenzo Eleazar at Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Rolando Anduyan, inilatag ng pulisya ang mga paghahanda sa seguridad at kaayusan, deployment ng mga pulis, at iba pa.

Inirekomenda rin ng MPD na isagawa ang aktibidad sa Quirino Grandstand habang sa Burnham Green naman pupuwesto ang mga grupong pro-Duterte.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

-Mary Ann Santiago