PALAGI na lamang paalala ng kanyang mga coaches kay Renzo Subido na tumira kung libre ang depensa.

Kahit minsan hirap at madalas sumasablay ang 22- anyos na guard hindi ito alintana ni University of Santo Tomas mentor Aldin Ayo dahil batid nitong darating ang pagkakataong may magagawang maganda si Subido para sa Growling Tigers.

Ang mga ganung klase ng pakikipagsapalaran ang ginagawa ng UST ngayong UAAP Season 81 na para sa kanila ay “rebuilding year”.

At malaking bonus kung sa kanilang pagsugal ay sila ang manalo gaya ng nagyaring 76-74 na paggulat nila sa Far Eastern University para sa una nilang panalo sa season na ito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

At hindi nakapagtatakang pinangunahan yun ni Subido na nagtala ng 18 puntos, 2 rebounds, at isang assist.

Nakabawi si Subido sa kanyang masamang laro noong opening day kontra National University kung saan nagtala sya ng shot 2-of-10 sa 3-point arc at 5-of-24 mula sa field.

“Yung last game na yun, we were able to get or shots pero hindi lang pumapasok,” anang 5-foot-9 na si Subido. “Pero alam namin na magiging maayos pa ang laro namin and we just have to trust each other at magtiwala sa sistema.”

Dahil sa kanyang effort, napili si Subido para maging Chooks-to-Go/UAAP Press Corps Player of the Week.

Kabilang sa mga tinalo nya sina Ateneo forward Thirdy Ravena, UP ace Juan Gomez de Liano, at FEU slotmsn Prince Orizu.

Sang-ayon kay Ayo ang kanyang “no-hesitation rule” ay hindi lamang psra sa kanyang fourth-year shooter.

“It’s not only for Renzo. It’s for all the players,” pahayag ni Ayo. “I always tell them that if you’re free, take the shot as long as it’s in the play. Be responsible and make sure we execute our plays.”

-Marivic Awitan