NANGIBABAW ang ganda ng kababaihang Muslim, matapos mapabilang ang pambato ng Sultan Kudarat sa five major winners ng 50th Mutya ng Pilipinas na ginanap sa Mall of Asia Arena, sa Pasay City nitong Linggo.
Kinoronahan bilang Mutya ng Pilipinas Asia-Pacific International si Sharifa Akeel sa pageant na nagsusulong ng “beauty tourism.” Nasa 50 kandidata ang nagpatalbugan para sa titulo ngayong taon, pinakamarami sa kasaysayan ng Mutya ng Pilipinas.
Agad na sasabak ang 21-anyos na beauty queen mula Sultan Kudarat bilang pambato ng Pilipinas sa Miss Asia-Pacific International 2018 pageant.
Sa final Q&A ng pageant, tinanong si Akeel sa opinyon nito sa pagsusulong ng patimpalak sa beauty in diversity.
“I set myself as an example of it because Mutya ng Pilipinas openly accepted me for who I am despite my religion. It only means that Mutya ng Pilipinas promotes diversity. Beauty in diversity,” sabi ni Akeel.
“As a ‘Mutya,’ I will continue the legacy of the past queens and promote it to the whole world that we have our unique beauty despite our individual differences. If there is one thing I learned from this pageant is that being a beauty queen is not just having physical perfection. It’s what’s inside of you - your thoughts and your grace regardless of your race and your religion.”
Samantala, kabilang din sa mga nagwagi sina Aya Fernandez, ng Taguig, bilang Mutya ng Pilipinas-Tourism International 2018; Pauline Amelinckx, ng Bohol, bilang Mutya ng Pilipinas-Global Beauty Queen 2018; Kesha Ramachandran, ng Iloilo, bilang Mutya ng Pilipinas-Tourism Queen of the Year International 2018; at Jade Roberts, ng Australia, para sa Mutya ng Pilipinas - Overseas Filipino Communities 2018. Kakatawanin ng mga nanalong kandidata ang Pilipinas sa mga gaganaping pageants abroad.
Nakuha naman ni Miss Muntinlupa, Mary Justine Teng ang first runner-up at Kristine Malicsi, ng Navotas para sa 2nd runner-up.
Habang wagi sa special awards sina Mayuko Hanawa, ng Japan, bilang Miss Congeniality; Aya Fernandez, bilang Mutya Creamsilk; Pauline Amelinckx, bilang Mutya San Mig Lite; Sharifa Akeel, bilang Mutya Celeteque; Honey Grace Cartasano ng Antipolo, bilang Mutya ng Hannah’s; Mary Justine Teng, bilang Mutya ng Thiocell; at Rein Hillary Carrascal ng Legazpi, bilang Mutya ng Happee.
-ROBERT REQUINTINA