NAKATAKDANG ipagtanggol ni world rated Joe Noynay ang kanyang WBO Asia Pacific Youth super featherweight title laban kay WBF International lightweight titlist Qixiu Zhang ng China sa Huwebes ng gabi sa SM Mall of Asia Music Hall sa Pasay City.

Malaki ang mawawala kay Noynay kung matatalo kay Zhang na galing sa tatlong sunod na panalo, pinakahuli sa pagpapatulog sa 1st round kay South Korean Nak Yul Park noong nakaraang Mayo 12 sa Bucheon, South Korea.

Nakuha ni Noynay ang WBO Youth title sa 10-round majority decision laban kay Hector Garcia ng Mexico noong nakaraang Abril 7 sa Bogo City kaya pumasok siya sa world rankings bilang No. 14 contender kay WBO junior lightweight champion Masayuki Ito ng Japan.

May rekord si Noynay na 14-2-1 na may 4 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Zhang na may kartadang 9-4-1 na may 3 pagwawagi sa knockouts.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa undercard ng Noynay-Zhang bout, magsasagupa ang mga Pilipinong sina Al Toyogon at Nathan Bolcio para sa bakanteng WBC Asian Boxing Council Silver super featherweight crown. rekord si Aviles na 16-2-3 na may 6 na pagwawagi sa knockouts samantalang si Duno na boksingero ngayon ng GBP ni six-division titlist Oscar dela Hoya ay may kartadang 17 panalo, 1 talo na may 14 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña