MARAMI ang ginulat ni Moira de la Torre, ang malamyang tinig sa likod ng mga awiting Tagpuan, Sundo, Titibo-Tibo, Torete at iba pa, dahil sa matapang niyang post sa kanyang Twitter account—na umani ng 350 retweets at 1.9k likes. Dito ay ibinahagi niya ang kanyang pagkadismaya sa concert producer ng I-Millennial Fest na ginanap sa Laoag City, Ilocos Norte .

Moira copy

Nangyari ito nitong Setyembre 15 kung saan inimbitahan siya sa nasabing festival sa Laoag na may kinalaman sa Marcos family.

Ang matapang na post ni Moira: “This Marcos Fest was supposed to be called I-Millennial Fest. I am not a Marcos apologetic. Never will I be.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“From the earlier reminders ‘til before we got there, they addressed it as the Ilocano Millennial Night. Not once was his name brought up.”

May nagtanong kay Moira kung hindi ba ito ipinaliwanag ng mabuti sa kanila.

“No I didn’t. From the earlier reminders ‘til before we got there, they addressed it as the Ilocano Millenial Night. Not once as his name brought up. So let me be clear about this: I performed for the people of Ilocos and NOT for Marcos. It was the producer who failed to give us all the information. I think he purposely left that out to keep us from not accepting the event which makes me even angrier.”

Akalain mo na ang tahimik at pangiti-ngiting Cornerstone artist ay tigre pala kapag nagalit, lalo na dahil niloko siya.

Oo nga naman, sino ba naman ang matutuwa kapag niloko ka, hindi naman pera o ang ibinayad sa talent ang usapan dito, dahil naniniwala kami na maraming artists ang gustong mag-perform maski libre kapag naniniwala sila sa projects.

Sana maging lesson learned ito sa lahat ng concert producers na ibigay ang lahat ng detalye ng show, para makaulit uli, at maging bukas din ang isipan sakaling tanggihan kayo o hindi ng mga nais kuhaning artists.

-REGGEE BONOAN