BUTUAN CITY - Iniutos na ng Police Regional Office (PRO)- 13ang paglulunsad ng manhunt operation sa ikaaaresto ng isang lalaking bumaril at pumaslang sa asawa ni Bislig City Mayor Librado Navarro, nitong Sabado ng gabi.

Inihayag ng PRO-13 na ginagawa na nila ang lahat ng paraan upang makilala at maaresto ang suspek na inilarawang nasa 5’ 3” ang taas, katamtaman ang pangangatawan at may suot na face mask, nakasuot ng itim na jacket na may hood at naka-short pants.

Nakasuot din ng facemask ang kasamahan nito na nagmamaneho ng motorsiklong ginamit nila sa pagtakas, ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Carmencita Navarro, 62, na dead on the spot dahil sa isang tama ng bala sa ulo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa imbestigasyon, tumutulong lamang ang biktima sa paglalagay ng palamuti ng Bay Walk para sa paghahanda sa grand opening ng Bay Walk activity kahapon, nang lapitan ito ng isang lalaki at binaril ng isang beses.

“The victim was standing at the pavement supervising the installations of series lights at the land mark I Love Bislig when a lone gunman suddenly appeared from other side of the road and shot the victim once at closed range,” ayon sa Bislig City Police.

Naiulat na kakandidato sana ang biktima sa 2019 mid-term elections bilang alkalde ng lungsod, kapalit ng asawa nito na isang last termer.

“We are doing all the best we can to identify the perpetrators and the person/s behind this shooting incident and file appropriate charges against them to put them behind the bars of justice. Meanwhile, we encourage the witnesses and all those who have relevant information to help in the solution of this case by providing information,” pahayag naman ni PRO 13 Regional Director, Chief Supt. Gilberto Cruz.

-Mike U. Crismundo