Nagkumahog sa pagpapa-full tank ng kanilang sasakyan ang mga motorista kahapon upang makatipid dahil sa panibagong oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes, sa pangunguna ng Shell at Seaoil.

Sa pahayag ng dalawang kumpanya ng langis, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Setyembre 18 ay nagtaas ang mga ito ng 50 sentimos sa kada litro ng gasolina, 20 sentimos sa kerosene, at 15 sentimos naman sa diesel.

Hindi naman nagpahuli ang PTT Philippines at Petro Gas na nagpatupad din ng parehong dagdag-presyo sa gasolina at diesel.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na oil price hike kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong Setyembre 11, tumaas ng 65 sentimos ang gasolina, diesel at kerosene.

-Bella Gamotea