BINULABOG ng Beautederm Babies ni Ms. Rei Anicoche Ramos-Tan ang Alimall, Cubao nitong Linggo dahil sa launching ng 41st physical store ng Beautefy by Beautederm, na isa sa distributor ay si Ms. Maria De Jesus.

Beautederm babies

Punumpuno ng tao ang basement hanggang 4th floor ng mall dahil nakisaya sa nasabing launching ang lahat ng endorser niton sa pangunguna nina Sylvia Sanchez, Shyr Valdez, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Alma Concepcion, Matt Evans, Carlo Aquino at ang kilalang social media influencer na si Darla Sauler.

Ang lahat ng mga artistang nabanggit ay visible ngayon sa telebisyon kaya naman nabusog ang mga mata ng mga tao na hindi na magkarinigan sa kahihiyaw, sigaw at kapapadyak habang nag-i-interview kami sa standby area.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Bilang promo ng Beautefy distributor ay namahagi ang Beautederm babies ng sampler ng mga produktong ito, kaya talagang nag-enjoy ang lahat dahil nakapanood na sila ng libreng show ay nag-uwi pa sila ng beauty products.

Tuwang-tuwa ang Alimall distributor na si Ms. Maria De Jesus, na 10 years na OFW sa Singapore bilang restaurant manager, sa desisyon niyang bumalik ng Pilipinas para tutukan ang kanyang Beautederm business.

Kuwento ni Ms. Rei Tan, nagsimulang gamitin ni Ms. Maria ang produkto niya dahil marami siyang acne at nu’ng malaki ang pagbabago sa loob ng isang buwan lang, ay kaagad niya itong ini-rekomenda sa lahat ng kaibigan niya, hanggang sa naging word of mouth na nga ito sa Singapore at dumami na ng husto ang resellers niya.

Ganito rin ang kuwento ni Sylvia na nagtayo ng Skin and Beyond Clinic by Beautederm sa Butuan City, kasosyo ang anak na si Ria Atayde at ilang kaibigan.

Si Matt Evans naman ay may sariling BeauteLab by Beautederm na matatagpuan sa Farinas Trans Terminal, A.H. Lacson Avenue, Manila.

Kasalukuyan namang naghahanap pa ng magandang puwesto sina Carlo, Shyr, Alma at iba pang endorsers ng nasabing produkto.

Ang maganda ay walang franchise fee na hinihingi si Ms. Rei dahil ang katwiran niya, “gusto kong tulungan ang mga nagsisimula na tulad kong galing din sa wala. Bakit ko sila hihingan ng monthly fee, e, kumikita naman na ako since ako ang magbabagsak sa kanila ng produkto? Ang gagawin lang nila, sila maghahanap ng puwesto at ia-approve ko kung okay at kung kikita rin sila.”

Diretsong tanong namin ay kung may plano silang magtayo sa iba pang kilalang malls sa Pilipinas since nationwide nang kilala ang Beautederm.

“Actually, hindi ko ini-encourage ang distributors ko o resellers ko na maglagay ng puwesto sa malls, except for Alimall kasi, bukod sa mahal ang upa sa ibang malls, may percentage pa silang kinukuha bukod pa sa monthly na upa. Ano pa po ang matitira pag ganu’n? Ang tendency, tataasan mo ang presyo ng produkto, e, di wala nang bibili? Target client nga ay ang masa.

“Kaya ang advise ko sa kanila, humanap sila ng puwesto na hindi sa loob ng malls na puwede nilang upahan. Bale ang gastos lang ay ‘yung puwesto at bills,” paliwanag mabuti ng presidente at CEO ng Beautederm.

-Reggee Bonoan