BITBIT ngayon ng nasa 800 magsasaka ng Region 12-Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City) ang kaalamang natutuhan tungkol sa modernong pagsasaka, gamit ang teknolohiya at epektibong paraan para sa mas masiglang produksiyon at mas malaking kita makaraang makumpleto nila kamakailan ang programang “School on the Air” (SOA) ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, na dumalo sa pagtatapos ng mga magsasaka sa Agricultural Training Institute (ATI) sa Kidapawan City, North Cotabato, na ang mga sertipikasyong natanggap ng mga magsasaka hinggil sa farming techniques mula sa DA ay pagkakumpleto sa mga aralin sa pamamagitan ng pakikinig sa radyo habang nasa kanilang mga tahanan o sakahan.

“The enrolled farmer-beneficiaries, who are from the provinces of North Cotabato, Sultan Kudarat, and South Cotabato, specifically learned the DA program on farm mechanization and climate change mitigation,” ani Piñol.

Dagdag pa niya, natutuhan din ng mga magsasaka ang epektibong paraan upang malabanan ang pagkalat o pamiminsala ng mga peste tulad ng black bug, stem borer at mga daga, upang mapataas ang produksiyon at kita.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hinikayat naman ni Piñol ang lahat ng magsasaka sa rehiyon na sumali at makiisa sa lahat ng mga programa ng DA na pangunahing layunin ang mapaangat ang produksiyon at kita para sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Ang SOA ay isa sa distance learning technology package ng ATI para sa agrikultura at pangingisda. Ito ay serye ng mga programa sa radyo na sistematiko at progresibong tumatalakay sa mga paksang nakatuon sa agrikultura at isinasahimpapawid sa loob ng tatlong buwan.

Kabilang sa programa ang paggamit ng mga mas pinagandang mekanismo at kagamitan, tulad ng short messaging system (SMS), Internet, at telepono. Habang isang sertipiko ang ibinibigay sa mga nag-aaral makaraang makumpleto ang buong kurso.

PNA