LUCENA CITY, Quezon - Aabot sa 21 na katao, kabilang ang isang abogado ang nasugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Lucena City, kahapon ng madaling araw.
Sa panayam, kinilala ni Supt. Romulo Albacea, hepe ng Lucena City Police, ang mga nasugatan na sina Atty. Chariss Allorde, 26, ng Ligao City, Albay; Ronnie Locre Sarion, 54, ng Polangui, Albay; Janette Arena, 21, ng Legaspi City; Ma. Salve Zuñiga, 50, ng Legaspi City; Arceli Malabanan, 58, ng Talisay, Batangas; Oscar Cleopas, 65, ng Marikina City; Teodora Lazaro, 70, ng GMA, Cavite.
Sugatan din sina Cedenia Gabriel, 53, ng Daraga, Albay; Edwin Ariola, 59, ng Legaspi City; Marilou Gallarde, 48; Lheyann Dorreen Barral; Donato Morillo, 50; Russel Arellas, 3 buwan, pawang ng Balatan Camarines Sur; Rex Casais, 39, ng Mandaluyong City; Angelito Dela Peña, 54, ng Legaspi City; Janette Morada, 37; ng Iriga, Albay; Ralla Adornado Llandelar, 28; Suzanette Mae P. Llandelar, 30; Elaine P. Llandelar, 4, pawang taga- Calamba City; at Shelley Gurrobat, 38, ng Legaspi City. Ang mga ito ay pasahero ng Amihan bus.
Ipinaliwanag ni Albacea na kabilang sa mga sasakyang kasangkot sa insidente ang dalawang Philtranco bus na minamaneho nina Melchor Peliyas, 55, ng Santa Ana, Manila; at Rogelio Monge, 47, ng San Nicolas, Iriga City; habang ang Amihan bus ay minamaneho naman ni Jomel Marlo Bolivar, 37, ng Bgy. Exciban, Labo, Camarines Norte.
Ang insidente, aniya, ay naganap sa Diversion Road, Barangay Ilayang Dupay, dakong 2:30 ng madaling araw.
Sinabi ng pulisya na sumalpok sa concrete barrier ang bus na minamaneho ni Peliyas at habang inaasistehan ni Monge ang nasabing bus ay bigla namang sinalpok ng isa pang bus ang likurang bahagi nito.
-Danny J. Estacio