PORMAL na ilulunsad ng organizers ang 2018 World Pitmasters Cup (Masters Breeders Edition) 9-Stag International Derby ngayon ganap na 10 ng umaga sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.

Hindi kukulangin sa 400 ang kumpirmadong magtutuos, idagdag pa ang 30 matitigas na maglalaban sa P220K Entry Fee, One-Day 7-Stag Big Event sa Setyembre 23.

Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, at tulong nila Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay may buong suporta ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan at Thunderbird Bexan XP.

Sa Setyembre 20, 21 & 22, gaganapin ang tatlong magkakahiwalay na 2-stag eliminations na susundan ng one-day 7-stag blowout sa Set. 23. Ang tatlong 3-stag semis ay nakatakda sa Set. 24, 25 & 26. Ang 4-stag finals para sa lahat ng lahok na may 2, 2.5, 3 o 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Set. 28, samantalang ang mga may 4, 4.5 or 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa 4-stag grand finals sa ika-30 ng Setyembre.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Maghaharap para sa isang Red Flag format sa 7-Stag Big Event sina Richard Perez (Riper), Joey Delos Santos, Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea, Gov. Eddiebong Plaza, Eric dela Rosa, Anthony Lim, Eddie Gonzales, Arman Santos, Mayor Goto, JR Tolentino, Gov. Ito Ynares, Dori Du, Fiscal Villanueva, Vice Mayor Mercado, Buboy Delos Santos, Maam Procy, Bong Pineda, Aldo Mercado, Gov Claude Bautista, Coun. Marvin Rillo, Ricky Magtuto at Raymond Dela Cruz kasama si Mayor Jesse Viceo.

Ang mga interesadong sumali ay maaring kumontak gamit ang Facebook Page 2018 World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby o sa cellphone number 0927-8419979.