NI EDWIN ROLLON
IMBES na patibayin, unti-unti umanong sinusunog ni Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas ang tulay para sa ugnayan sa mga National Sports Associations (NSAs) partikular sa mga asosasyon na nakadikit sa dating administrasyon ni Jose ‘Peping’ C na si Julian Camacho, kahit napanatili niya ang posisyon sa Executive Board, hirap siyang makakuha ng ‘access’ sa mga record, partikular sa aspeto na may kinalaman sa gastusin at kaperahan ng POC.
“Ako mismo na treasurer ng POC hindi na mabigyan ng access sa financial record. Hindi ko maibigay yung record para ma-clear tayo sa Olympic Council of Asia at ang masakit bibirahin tayo sa media na tayo ang dahilan kaya hindi makapag-liquiadte sa OCA at sa International Olympic Committee (IOC) na nagreresulta ng kahihiyan sa international community,” pahayag ni Camacho.
“Ang totoo nyan, nagbago ang sistema sa submission ng liquidation sa mga financial aid na bigay ng OCA sa atin. Before ipinadadala lang namin through email. Ngayon, gusto nila isend naming sa kanilang website at naka-itimized. Kaya naman naming gawin, pero nadelay dahil ayaw kaming bigyan ng access ngayon sa mga record,” himutok ni Camacho.
Si Camacho ay bahagi ng gurpo ni Cojuangco na nagwagi sa 2016 POC election. Matapos magsamap ng reklamo sa korte, nakakuha si Vargas ng kautusan na payagan siyang tumakbo sa POC election na naganap nitong Pebrero 2018. Nagwagi si Vargas laban kay Cojuangco, gayundin ang kaalyado niyang si Bambol Tolentino (cycling) bilang Chairman.
Tahasang tinuligsa ni Camacho sa media briefing na dinaluhan ng TV network ang mga miyembro ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Linggo sa Manila Yacht Club ang aksyon ng POC hingil sa tila pagdiin nito sa nakalipas na administrayon hingil sa umano’t ‘unliquidated’ financial support mula sa OCA na nagkakahalaga ng may US$60,000.
“Yung pahayag ni Mr. Vargas na nakakahiya ang Pilipinas dahil sa OCA unliquidated expenses ay unfair sa amin dahil hindi naman namin napabayaan yung aming trabaho. Nataon lang na na-delay dahil nagiba ang kanilang sistema at hirap kaming balikan yung mga dokumento a POC,” pahayag ni Camacho.
Iginiit naman ni Cojuangco na walang direksyon ang kasalukuyang pamunuan hingil sa pagtalakay samga isyu at suliranin.
“Noon, nakakalendaryo na yung programa ng POC, kaam na diyan ang petsa ng executive Board meeting at General Assembly meeting. Ngayon, kung kailan lang nila gustong magtpatawag ng meeting, doon lang sila mag-issuue ng memorandum ang masakit wala namang klarong agenda. Paano masasagot ang isyu kung hindi alam ng Board member ang agenda sa meeting,” sambit Ni Cojuangco.
Maraming NSAs leaders ang umaaray na umano sa kawalan ng pagkakaisa sa Olympic body, gayundin ang mga napapabayaang atleta kung kaya’t hinimok ng grupo si Philippine Shooting Association president Lusi ‘Chavit’ Singson na pamunuan ang kanilang hanay.
Iginiit naman ni Singson na walng puwang ang pagkakawatak-watal sa POC at sinabing personal na kakausapin si Vargas hingil dito upang mapanatili ang ‘camaraderie’ sa Olympic body.
“Pamilya naman kami ito, kaya kakausapin ko. Mr. Vargas for the sake of unity. Kung walang mangyari sa usapan, tignan natin,” pahayag ni Singson.