DUGONG racers, dugong palaban.

SISTER ACT! Sasabak na rin si Maria Lourdes Buncio para samahan sa Team TOTAL ang nakababatang kapatid na si Jacquelyn sa 2018 Superbikes Cup.

SISTER ACT! Sasabak na rin si Maria Lourdes Buncio para samahan sa Team TOTAL ang nakababatang kapatid na si Jacquelyn sa 2018 Superbikes Cup.

Asahan ang mas mataas na antas ng aksiyon sa 2018 Superbikes Cup sa pagsabak ni Maria Lourdes Buncio para samahan ang nakababatang kapatid at racing champion na si Jacquelyn sa Team TOTAL.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Mula sa amang si Gregorio “Yoyong” Buncio at namayapang kapatid na si Maico,  patuloy ang legacy ng pamilya Buncio kipkip ang determinasyon na panatilihin ang kinang sa motorsports.

Sa batang edad, nakaukit na ang pangalan ni Jacq sa sports matapos ang naitalang panalo sa mga sinabakang torneo, habang ang kanyang Ate Des ay matagal nang kumakarera, ngunit kamakailan lamang ito sumabak sa professional race.

Isinantabi ng Buncio sisters ang nakasanayan sa motorsports na dominante ng mga lalaki. Ilang panalo ang naitala ni Jacq laban sa mga karibal na lalaki.

Matinding pagsasanay at paghahanda ang ginagawa ng dalawa at siniguro ng TOTAL na makukuha nila ang suporta ng kompanya sa  kanilang adhikain na manginbabaw sa sports.

Mula 2017, kasama ni Buncio sa kanyang karera ang TOTAL gamit ang top-of-the-line motorcycle engine oil na Hi-Perf. Hindi maikakaila na nasa likod sa tagumpay ni Jacq ang TOTAL, tampok ang pamamayagpag para makamit ang 2017 overall Superbikes Cup championship sa heavyweight A category.

Hindi rin nagdalawang-isip ang pamunuan ng kumpanya na isailalim din sa kanilang pangangasiwa ang career ni Des, ang 2017 overall Superbikes Cup champion sa Lightweight A Category.