SURIGAO CITY – Mahigit 100,000 lokal at dayuhang turista ang dumagsa sa Surigao City at humilera sa gilid ng mga pangunahing kalsada ng lungsod nitong Linggo, Setyembre 9, upang makisaya sa selebrasyon ng 34th Bonok-Bonok Festival.

photo_04

Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Halad Sadjaw sa Surigao”, na inilarawan ni Mayor Ernesto T. Matugas bilang pagsasaya at pagpapasalamat ng mga tagasiyudad sa lahat ng biyayang kanilang natanggap buong taon.

Taong 1984 nang magsimula ang taunang selebrasyon makaraang humagupit ang mapaminsalang bagyong ‘Nitang’ sa dulong hilaga na bahagi ng siyudad sa Northeastern Mindanao.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“The call for ‘bonok-bonok’ is a call historically made by our native Mamanwas for the abundant harvest, a call which up to this day remains significant amidst the ever pressing challenges of eradicating poverty,” paliwanag ni Matugas.

photo_07

Nangangahulugang “malakas na ulan” at “tanging ang pinakamabuti” naman sa Maradjaw Karadjaw, ang kapistahang Bonok-Bonok ay nagmula sa paniniwala na katumbas ng malakas na buhos ng ulan ang saganang ani ng palay, prutas, at root crops, na pangunahing pagkain ng mga Surigaonon.

Ang kapistahan din ang pangunahing tampok sa pagdiriwang ng pista ni San Nicolas de Tolentino, ang patron ng Surigao City.

Ang Bonok-Bonok Festival 2018 ang pinakabonggang pagdiriwang sa nakalipas na 34 na taon, sinabi ni Roselyn Armida B. Merlin, supervising tourism operations officer ng Surigao City, sa eksklusibong panayam sa sideline ng pagdiriwang noong Linggo ng hapon.

Umaabot sa kabuuang P3.2 milyon ang papremyong inilaan para sa mga mananalo ngayon taon sa street dancing competition, habang ang kabuuang gastusin para sa paghahanda sa kapistahan ay umabot naman sa mahigit P5 milyon, ayon kay Merlin.

photo_01

Sampung grupo mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa Surigao City at mga karatig bayan at lalawigan ang nagpahusayan sa “Bonok-Bonok Based Category”, habang siyam na grupo naman ang lumahok sa “Bonok-Bonok Festival of Festivals Category”.

Ang bawat grupo ay binubuo ng mahigit 100 mananayaw, at ang pinakamarami ay nasa 300 ang miyembro.

N a t a p o s a n g showdown ng magkakat unggal ing grupo bago maghatinggabi ng Linggong iyon, sa Provincial Sports Complex sa lungsod, at nagkampeon ang Mat-i National High School sa 2018 Bonok-Bonok Based Category. Ang Buyawanong Placer Cultural Group naman ang nagwagi sa 2018 Bonok-Bonok Festival of Festivals Category.

Para sa selebrasyon, binate nina Surigao del Norte Governor Sol F. Matugas at Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco Jose F. Matugas ang mamamayan ng Surigao City, at hinimok ang mga itong patuloy na magtulungan para sa ikauunlad ng siyudad.

-Sinulat at mga larawang kuha ni MIKE U. CRISMUNDO