Pinangangambahang aabot sa P3.6 bilyon ang magiging pinsala ng bagyong ‘Ompong’ sa palay pa lamang.

Ito ang iniulat ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol sa command conference nitong Huwebes ng hapon, na pinangunahan mismo ni Pangulong Duterte, hinggil sa pananalasa ng Ompong.

Sa kanyang ulat para sa inaasahang pinsala ng bagyo sa agrikultura, sinabi ni Piñol na aabot sa 1.22 milyong ektarya ng palayan at maisan ang maaaring maapektuhan ng bagyo.

Sa taya, posibleng aabot sa P3.6 bilyon ang malulugi sa palay o hanggang P7.9 sa worst case scenario. Katumbas nito ang 74,000 hanggang 176,000 tonelada ng palay.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Habang sa mais, nasa P2.7 bilyon o P3.1 bilyon ang tinatayang masisira.

Samantala, siniguro naman ni Piñol sa Pangulo na may sapat na bigas sa bansa kahit pa makaalis na ang bagyo.

‘We are projecting that on a moderate scenario, at the end of the year, even with what will happen, we will still have about 96 days of supply of rice. Worst-case scenario, ending stocks December 31, we will still have 85 days,” sabi ni Piñol.

“Our reserve would be reduced by about 3.6 days. We don’t really have a problem with the supply now, Mr. President. It’s harvest time. And the imported rice are starting to come in,” dagdag pa ng kalihim.

Sinabi pa ni Piñol na inaasahan ng DA na makakapagtala ng 9.4 milyong tonelada ng aning palay ngayong taon.

“But if we will be hit hard, that will be reduced by about 600,000 metric tons or 18.8 million metric tons,” ani Piñol.

-Argyll Cyrus B. Geducos