NANAWAGAN si Environment Secretary Roy Cimatu para sa pakikiisa ng mga people’s organization (POs), upang maging tagapamahala ng kalikasan at hindi lamang ito iasa sa pamahalaan.
Inihayag ni Cimatu ang kanyang hiling sa pamamagitan ng isang liham, na binasa ni Undersecretary Rodolfo C. Garcia sa paglulunsad ng “Tayo Ang Kalikasan” sa bahagi ng Visayas, isang programa na tututok sa restorasyon, rehabilistasyon, at pagpapaunlad ng kalikasan.
“We cannot and should not place the burden on the government alone, considering the government’s limited resources. Communities -- given the means -- are in the best position to act immediately and respond to local needs,” aniya.
Dagdag pa ni Garcia, “Tayo Ang Kalikasan” ay ang “product of the faith in our people.”
“I personally believe that our people are capable of change for the better, if not the best. I believe that from being part of the problem, our people can become the solution. I believe too that people care for clean air, clean water, healthy habitat and a productive environment,” aniya.
Binanggit din ni Cimatu ang epekto ng mahigit 21 milyong populasyon sa tatlong rehiyon ng Visayas kapag “move together with unity of mission and vision.”
Sa idinaos na seremonya, nangako ang mga opisyal ng iba’t ibang POs ng tiyak na suporta sa programa. Lumagda rin ang mga nakiisa sa pagdiriwang sa ‘Commitment Wall’ bilang tanda ng kanilang suporta.
“We bank on our POs because they are our strength,” pahayag ni Assistant Regional Director for Technical Services Livino B. Duran, sa isang panayam.
Bahagi rin ng seremonya ang presentasyon ng mga kabataan kinatawan bitbit ang mga punla. “The seedling distribution was part of the TAK launch, which encourages youth participation to help protect, conserve and rehabilitate the environment,” ani Duran.
Ipinaliwanag din ni Duran na sakop ng adbokasiya ang ilang bahagi at ang kanilang aksiyon ay nakadepende sa lokasyon. Habang bahagi ng hakbang ang pagbabahagi ng impormasyon at education campaign, implementasyon ng mga makakalikasang mga programa at proyekto.
PNA