MAAGANG Pamasko ang handog ng GMA Pinoy TV sa mga Kapuso natin abroad, sa pagdaraos ng Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim sa October 7, 2018, sa The Grove of Anaheim sa Los Angeles, California.

Sama-samang magbibigay saya sina Philippine Comedy Concert Queen Ms. Ai Ai delas Alas, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, ang comedic duo na sina Donita Rose at Super Tekla, at ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera- Dantes.

Sayang nga lang sa media launch, wala si Ai Ai na may konting karamdaman, kaya hindi nakarating.

Pare-parehong mahuhusay kumanta ang mga kasama ni Marian, kaya napabiro siya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“For a change, sosorpresahin ko ang mga kababayan natin sa Anaheim, kakantahan ko naman sila,” biro ni Marian.

“No, excited na po ako talagang pumunta ng Anaheim at nagagalak akong ipadama sa mga Kapuso natin sa Amerika ang totoong diwa ng Pasko. Siyempre, iba pa rin ‘yung saya kapag kasama mo na mag-celebrate ‘yung pamilya mo, mga kapwa mong Pinoy, kaya ‘yun ang gusto naming ihatid sa kanila.”

“Sinisiguro namin sa mga Kapuso natin abroad na ang ibibigay namin sa kanila ay mararamdaman nilang malapit din sila sa mga pamilya nila this joyful season,” sabi ni Christian, isa sa judges ng The Clash talent search ng GMA.

“Christmas is magical, at sana ang mga kahabayan natin huwag i-miss ang show namin na maagang Pamasko ng GMA Pinoy TV sa kanila. Bukod sa kantahan at tawanan, may mga pasabog performances silang mapapanood,” sabi ni Julie Anne.

Makakasama rin sa Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim ang six local performers na nakabase sa Amerika, sina Erwin Andaya, Sharon Rose Orosco, The Dancing Mom of LA, Clarishe Enaje, Haydee A n g e l i n e , at Michael Zuñiga.

To purchase tickets, go to www.AXS.com and search for “Kapuso n g Pinoy.”

-Nora V. Calderon