Simula ngayong Sabado, Setyembre 15, ay pansamantalang isasara sa trapiko ang Mabini Bridge (dating Nagtahan Bridge) at ang Old Sta. Mesa Bridge (dating San Juan Bridge) upang bigyang-daan ang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga ito.

Batay sa abiso ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), simula ngayong Sabado ay dalawang lane ng Mabini Bridge hanggang Nagtahan flyover southbound lane ang sarado sa trapiko tuwing 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga, para sa construction repairs.

Ayon sa MDTEU, maaaring gamitin ng mga motorista ang Ramon Magsaysay Boulevard o ang Legarda Street patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Sa pagsasara naman ng Old Sta. Mesa Bridge, ang mga manggagaling sa P. Sanchez ay dapat na dumiretso sa Ramon Magsaysay Boulevard, habang ang magmumula sa Ramon Magsaysay ay maaaring dumiretso sa Araneta Avenue.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

-Mary Ann Santiago