APPLICABLE ang kasabihang “when it rains, it pours” kay Ina Feleo, ang aktres na daughter ni Direk Laurice Guillen.

Ina Feleo copy

Abala ngayon si Ina sa indie movie na Alimuom, an entry sa ToFarm Film Fest. It is a sci-fi set in the future at ang role ni Ina ay isang scientist na nakadiskubre ng bagay na magdudulot ng panganib sa mga tao. Sa pelikula ay may mga battle scenes na mala-Star Wars ang dating, at inamin ni Ina na hindi ito ang kanyang comfort zone.

Isa pang proyektong kasama si Ina ay ang remake ng Gulong ng Palad, na idinidirehe ng kanyang premyadong ina. Kasama rin sa cast sina Jodi Sta. Maria at Amy Austria.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kabilang din si Ina sa cast ng On The Job 2 ni Direk Erik Matti, at sa teleseryeng Japina, na may location scenes sa Japan.

Okay din at walang problema ang love life ni Ina. Italian ang kanyang boyfriend na very supportive sa kanyang acting career. Handa na rin daw siyang mag-asawa at bumuo ng sariling pamilya, pero inaming hindi pa nagpo-propose sa kanya ang kanyang nobyo, as of writing.

-REMY UMEREZ