PUERTO PRINCESA – May bagong maasahan na gasolinahan ng Caltex ang mga biyahero at motorista sa kanilang biyahe patungong Palawan airport at karatig na port area.

Binuksan ang bagong Caltex station

sa South Road ng Bgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City. Ito ang ika-17 Caltex stations sa buong isla ng Palawan.

Patuloy ang isinasagawang programa ng Chevron Philippines Inc. (CPI), marketer ng Caltex fuels at lubricants, para mabigyan ng serbisyo ang mga Pinoy sa buong Pilipinas. Sa unang dalawang quarters ng taon, kabuuang 14 bagong Caltex stations ang nagseserbisyo sa sambayanan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Patunay ito sa katayuan ng Caltex bilang isa sa pinakamatatag at pinakamalaking fuel service station sa bansa tampok ang kabuuang 600 stations.

“We always strive to meet our customers changing way of life. We take care of the little things they need in their travel so that they can focus on what is important. Offering various services and having stations at vital points in their road trips, is how we flesh out our mantra of ‘enjoy the journey’ for motorists,” pahayag ni Louie Zhang, CPI country chairman.

Sa kasalukuyan, kaakibat din ang Caltex sa loyalty program ng HappyPlus at Robinsons Rewards Card kung saan nabibigyan ang mga motorista nang kaukulang puntos na magagamit nila bilang diskwento sa pagbili ng gasolina at pagkain.

Matatagpuan ng mga motorista ang mga Caltex stations na malapit sa kanilang biyahe sa pamamagitan ng Caltex Locator app na mada-download sa Google Play at App Store.