DALAWA lamang sa kasalukuyang batch ng SMART Team Philippines Gilas ang nakasagupa ng Iran sa paglalaro sa FIBA World Cup qualifiers.

Kaya naman i t o ang nakikitang bentahe ni national coach Yeng Guiao sa pagsabak nila kontra Group D leader Iran Huwebes ng gabi sa 4th window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Azady Gym sa Tehran, Iran.

Sa kasalukuyang 12-man lineup ng Gilas ,tanging sina Gabe Norwood at Marcio Lassiter pa lamang ang nakalaban ng Iran.

Kasama ng Gilas batch 2015 nang makasagupa ni Norwood ang Iran sa second round ng Asia Cup sa Changsha, China. Tinalo ng Pilipinas sa Iran, 87-73.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang nasabing panalo ang huling panalo ng mga Pinoy kontra Iranians.

Taong 2011 naman ang batch na kasama si Lassiter na nakasagupa nila ang Iran.

Isang beses pa lamang natatalo ang Gilas Pilipinas sa kanilang road game sa ginaganap na Asian Qualifiers ngunit hindi pa natatalo ang Iran sa kanilang home game.

Dahil wala ang 7-footer na si Greg Slaughter, tatauhan ang frontline ng Nationals nina 6-foot-9 Asi Taulava, 6-foot-8 Christian Standhardinger, 6-foot-8 Raymond Almazan, 6-foot-8 JP Erram, at 6-foot-7 Ian Sangalang.

May average height namang 6-foot-6 ang Iran sa pinangungunahan ng 7-foot-2 na si Hamed Haddadi at 7-foot power forward Rouzbeh Arghavan.

Lamang din sa pagiging beterano sa ganitong qualifiers ang Iran kaya umaasa si Guiao na magagamit ng kanyang koponan ang malaking kaibahan ng komposisyon ngayon ng ating men’s basketball team.

“Marami ang huhulaan nila sa atin. Tayo, mas kaunti hinuhulaan natin sa kanila. That is our advantage.”

-Marivic Awitan