Sinalakay ng mga operatiba ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs (BoC), kasama ang Philippine National Police, ang ilang bodega sa Marilao, Bulacan matapos na matanggap ng impormasyon na libu-libong sako ng smuggled rice ang nakaimbak dito.

Ayon sa BoC, tinatayang 125,000 sako ng inangkat na imported na bigas, na nasa P300 milyon, ang natuklasan sa loob ng pitong bodega na matatagpuan sa Federal Corporation (FedCor) Compound sa Barangay Ibayo, Marilao, Bulacan.

Sa inisyal na impormasyon, ang mga sako ng bigas ay iniulat na inangkat mula sa Thailand, China, at India.

Samantala, hinihintay ng BoC ang may-ari ng mga bodega, umuupa o ang may-ari ng mga inangkat na kalakal upang patunayan na nagbayad ito ng duties and taxes.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

-Mina Navarro