Inaprubahan ng Kamara sa pangatlo at huling pagbasa ang House Bill 7652 na nag-oobliga sa public telecommunications entities na magkaloob ng mobile number portability sa mga subscriber.

Batay sa panukala Committee on Information and Communications Technology Chairman Victor Yap (2nd District, Tarlac), ang mobile number portability ang kakayahan ng mobile postpaid o prepaid subscriber, na walang financial obligation sa donor provider, na panatilihin ang kanyang mobile number kahit lumipat na siya sa ibang telecommunications entity, o magpalit ng subscription, mula sa postpaid patungong prepaid o vice versa.

-Bert De Guzman
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji