Tutulak na ang imbestigasyon laban kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go matapos na pormal na maghain kahapon ng resolusyon si Senador Antonio Trillanes IV sa Senado para siyasatin ito.

Nais ni Trillanes na ang Senate committee on civil service, na kanyang piinamumunuan, ang mag-imbestiga sa usapin, pero maaari rin itong silipin ng Blue Ribbon Committee.

Tinukoy sa resolusyon ni Trillanes ang CLTG Builders at Alfrego Builders and Supplies, na nakapasok sa kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Davao Region, noong nakalipas na taon.

Aniya, aabot sa P1.85 bilyon ang nakopo ng CLTG noong 2007- 2017 at P2.7 bilyon sa apat na kontrata, kabilang na rin ang Alfrego Builders and Supplies, noong 2017.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ang ama ni Go ay kapatid umano ng may-ari ng dalawang kumpanya.

Ang CLTG, aniya, ay mula sa pangalang Christopher Lawrence Tesoro Go.

Mariin na itong itinanggi ng kampo ni Go.

-Leonel M. Abasola