DAHIL napabilang na sa cast ng primetime seryeng Ang Probinsyano ang aktor-pulitiko na si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla at balik-eksena na ulit sa pagpopo-produce ang Imus Productions, nabanggit ng batang Revilla na posible raw makipag-collaborate si Jolo kay Coco Martin sa paggawa ng isang action film.

Jolo at Coco

Sa presscon ng trilogy film na Tres, naikuwento ni Jolo na, “siguro, mas maganda kung si Bong Revilla at si Coco Martin ang magsama. Pero siyempre, kaming dalawa, oo naman, puwede. Hindi pa lang namin napag-uusapan. Hopefully.”

“May title ang Imus (Productions) na hawak ngayon, yung Sa ‘Yo Ang Cavite, Akin Ang Tondo. Pero wala pa, wala pa. Hindi pa napag-uusapan,” excited niyang pahayag sa PUSH nang makausap siya sa pocket presscon ng nasabing pelikula.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Nagpaalam na ang karakter ni Jolo sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang head ng PSG na nangangalaga sa presidente. Malaki umano ang pasasalamat niya kay Coco dahil ay muli siyang nakasabak sa sa teleserye.

“Laking pasasalamat ko siyempre sa management at siyempre kay Coco dahil… thankful for giving me this opportunity to work again and sa pagbabalik sa teleserye dahil ang tagal na, after My Binondo Girl saka lang ako nakabalik.”

May bagong pinagkakaabalahan ngayon si Jolo at ito ay ang pagsusulat ng mga kanta.

“Actually, madami na. May ‘Nahulog’, may ‘Napagod’, may ‘Dahil’. Pero hindi ‘yon part ng film. Ginagawa ko lang ‘yon, parang outlet kapag nalulungkot, masaya, inspired,” sey niya.

Banggit pa niya, niregaluhan niya ng kanta ang leading lady niya sa 72 Hours, si Rhian Ramos.

“Yung ‘Napagod’ binigay ko kay Rhian. Siya ‘yung kumanta. Kailangan daw niya ng Tagalog, parang sa album niya yata.”

Ano namang kapalit ng niregalo niyang kanta?

“Friendship. Kailangan ba lahat ng bagay may kapalit?” natatawa niyang sagot.

Eh, si Jodi Sta. Maria, binigyan din ba niya ng kanta?

“Actually, nu’ng kami pa may nasulat akong kanta for her, ‘yung ‘Nahulog’,” pag-amin ng aktor.

Umaasa pa ba siya na magkakabalikan sila ni Jodi?

“Only time can tell if we are really meant to be, ‘di ba?” tugon pa niya.

Samantala, bida rin sa Tres ang mga kapatid ni Jolo na sina Bryan (Virgo) at Luigi Revilla (Amats). Ang pelikula ay ipalalabas ng Star Cinema sa Oktubre 3.

-ADOR SALUTA