Hindi maaaring magkaloob ng honorary degrees sa mga indibidwal ang mga eskuwelahan, kolehiyo at mga institusyon ng higher learning na hindi nabigyan ng awtoridad ng gobyerno na mag-operate, sinabi ng Commission on Higher Education (CHEd) kahapon.
Sa pahayag na inisyu ni CHEd Officer-in-Charge at Spokesperson J. Prospero De Vera III, binabalaan ang publiko laban sa HEIs na walang permit to operate. Inilabas ang anunsiyo kasunod ng mga ulat nitong weekend na ang Brethren Evangelical School of Theology (BEST) sa Gapan, Nueva Ecija ay naggawad ng Ph.D. in Humanities, major in Social Work, sa actor-model na si Daniel Matsunaga.
“Based on CHED records, the school has never applied for an authority to operate from the Commission and is not recognized as a Higher Education Institution (HEI) in the Philippines,” ani De Vera. Ang paggagawad ng BEST ng honoris causa sa mga ibdibidwal, idinagdag niya, “violates the policies and guidelines” na itinakda sa ilalim ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 19, series of 2014 o ang “Enhanced Policies and Guidelines on the Conferment of Honorary Doctorate Degrees by Higher Education Institutions (HEIs).”
-Merlina Hernando-Malipot