Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

10:00 n.u. -- LPU vs EAC (jrs)

12:00 n.t. -- JRU vs MU (jrs)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

2:00 n.h. -- LPU vs EAC (srs)

4:00 n.h. -- JRU vs MU (srs)

Standings W L

LPU 11 0

SBU 11 1

CSJL 7 4

CSB 7 4

UPHSD 5 5

AU 4 6

SSC-R 3 9

MU 2 8

EAC 2 8

JRU 2 9

SA ikalawang pagkakataon, target ng Emilio Aguinaldo College na mapigilan ang pamamayagpag ng Lyceum of the Philippines University sa muli nilang pagtutuos ngayong hapon sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 94 basketball tournament.

Ang ikalawang pagtutuos ng Pirates at Generals ay ilalarga ganap na 2:00 ng hapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan. Kasunod nito ang tapatan ng Jose Rizal University at ng Mapua University ganap na 4:00 ng hapon.

Nanatiling imakulada ang marka ng Pirates sa unang dalawang laro sa second round. Tulad sa nakalipas na season, nagawang walisin ng Lyceum ang 9-game first round elimination para manatiling nasa unahan ng team standings.

Nakabuntot naman ang defending champion San Beda Red Lions sa 11-1 karta matapos magwagi sa Letran Knights, 74-68, nitong Martes.

Sinabi ni LPU coach Topex Robinson na walang puwang ang kumpiyansa sa kabila ng katotohahan na liyamado ang Pirates sa laban.

“One game at a time lang, but we always treat each game as a playoff game,” ani Robinson.

Tatangkain namang bumawi ng Generals sa 97-106 na kabiguan nila sa Pirates noong Hulyo 13 upang makaangat ng bahagya sa kinalalagyang ilalim ng standings taglay ang barahang 2-8, kasalo ng Mapua, may kalahating larong agwat sa nasa buntot na JRU (2-9).

Samantala sa huling laro, kapwa magsisikap na makaahon mula sa ilalim ang magkatunggaling Heavy Bombers at Cardinals.

Tatangkain ng JRU na maiganti ang 60-72 pagkapahiya noong Hulyo 12 sa Mapua sa unang edisyon ng NCAA on Tour ngayong season sa JRU gym sa Mandaluyong.

Nitong Martes, naungusan ng San Sebastian Stags ang St. Benilde Blazers, 66-65.

Marivic Awitan

Iskor:

San Sebastian (66) -- Calisaan 18, Ilagan 11, Bulanadi 10, Capobres 10, Calma 6, Dela Cruz 5, Are 2, Valdez 2, Villapando 2, Desoyo 0, Isidro 0, Sumoda 0.

College of St. Benilde (65) -- Gutang 25, Leutcheu 9, Dixon 8, Carlos 7, Haruna 7, Young 5, Belgica 3, Nayve 1, Naboa 0, Pasturan 0.

Quarterscores: 17-12; 36-34; 53-42; 66-65.

San Beda (74) — Tankoua 19, Bolick 13, Mocon 12, Abuda 7, Doliguez 7, Oftana 4, Presbitero 4, Cuntapay 3, Nelle 3, Soberano 2, Canlas 0, Cabanag 0, Carino 0, Tongco 0.

Letran (68) — Quinto 19, Calvo 16, Muyang 11, Fajarito 10, Batiller 6, Ambohot 3, Taladua 3, Balagasay 0, Yu 0, Agbong 0, Celis 0, Mandreza 0, Galvelo 0.

Quarterscores: 16-15; 35-32; 60-42; 74-68.