NAGBIGAY ng palugit ang PBA sa mga Fil-foreign players na naghahangad sumali sa darating na Rookie Draft nang hanggang Oktubre 26 para makumpleto ang aplikasyon at kinakailangang d o k ume n t o p a r a ma g i n g eligible sa draft na gaganapin sa Disyembre 16.

I t i n a k d a n ama n a n g “contestability period” sa eligibility ng mga Fil-foreign draftees sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 29.

Samantala, para sa mga local born applicants, maaari silang magpasa ng aplikasyon at requirements sa Disyembre 3.

Sa naturan ding petsa, ilalabas ng PBA ang final list ng mga eligible Fil-foreign players sa draft.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Isang linggo kasunod nito, lahat ng aspirants ay kailangang sumali sa traditional Draft Combine sa Disyembre 12 at 13.

Ang final list ng draft applicants para sa PBA 45th season ay malalaman sa Disyembre 14.

Sa nakalipas na drafting, si Fil- German Christian Standhardinger ang tinanghal na overall No.1 pick nang kunin ng San Miguel Beer.

Ang 6-foot-10 forward ay bahagi na rin ng Philippine Team bilang naturalized player na sasabak sa FIBA World Cup Asian qualifier sa Tehran, Iran.

Naging sandigan din siya ng PH Team sa pagsungkit sa ika-5 puwesto sa katatapos na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

-Marivic Awitan