NAGSALO sa maagang pamumuno ang Far Eastern University at Ateneo de Manila matapos magsipagwagi kahapon sa kani-kanilang laban sa pagpapatuloy ng UAAP Season 81 women’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Tumapos na may tig-9 na puntos sina Valerie Mamaril at Fatima Quiapo habang nagtala naman si Blanche Buhayan ng 12 rebounds upang pamunuan ang Lady Tamaraws sa pagpapataob sa University of the Philippines, 69-55, para sa ikalawang sunod nilang panalo.

“Ang goal talaga namin is makuha yung first three games namin,”

pahayag ni Lady Tamaraws head coach Bert Flores. “After kasi nito, makakalaban na namin, tingin ko, top teams sa liga.”

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Buhat sa 29-puntos na bentahe sa third canto, 62-33, nadikitan ng Lady Maroons ang Lady Tams sa fourth period matapos umiskor lamang ng pitong puntos ang ipinasok na third stringers ng team

Kapwa naman nagsalansan sina Alyssa Villamor at Joanne Nimes ng tig-18 puntos kasunod si Jollina Go na may 15 markers para sa Lady Eagles nang gapiin ng mga ito University of the East Lady Warriors 68-66, para din sa ikalawang dikit nilang panalo.

Bunga ng kabiguan, parehas namang bumagsak ang Lady Maroons at ang Lady Warriors sa kabaligtarang markang 0-2.

Ang kabiguan din ang ang ika-18 sunod ng Lady Maroons mula pa noong Nobyembre 9, 2016.

Marivic Awitan

Iskor:

(Unang laro)

Ateneo (68) - Nimes 18, Villamor 18, Go 15, Joson 8, Buendia 4, Cancio 2, Guytingco 2, Newsome 1, Chu 0, Gino-Gino 0, Payac 0.

UE (66) - Requiron 31, Cortizano 15, P. Pedregosa 13, A. Pedregosa 5, Strachan 2, Borromeo 0, Cuadero 0, Francisco 0, Ganade 0, Ordas 0, Nama 0

Quarterscores: 19-19, 30-32, 55-52, 68-66

(Ikalawang laro)

FEU (69) -- Mamaril 9, Quiapo 9, Castro 7, Hortaleza 7, Bahuyan 6, Antiola 5, Payadon 5, Dugay 5, Bastatas 4, Taguiam 4, Adriano 3, Arenas 3, Rebleza 2, Vidal 0, Abat 0, Antonio 0.

UP (55) -- L. Ordoveza 15, Cruz 11, Ferrer 10, Gonzales 9, Bascon 4, Lebico 4, Rivera 2, Amar 0, Medina 0, Rodas 0, Larrosa 0, De Guzman 0, De Leon 0, Hidalgo 0, Moa 0, C. Ordoveza 0.

Quarterscores: 22-7, 35-21, 62-33, 69-55