HAT YAI, Thailand – Sinandigan ni dating PBA star Elmer Reyes ang Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) 60’s squad tungo sa dominanteng 73-42 panalo kontra Hat Yai-B nitong Martes upang makausad sa semifinals ng 27th ASEAN Basketball Veterans Tournament sa Prince Songkla University gym dito.

Sa edad na 59, tila hindi kinupasan ng husay si Reyes na kumana ng 26 puntos para pangunahan ang Edster Sy-mentored FCVBA sa ikalawang sunod na panalo sa elimination round.

Kumabig din sina dating La Salle star Kenneth Yap, Danny Ching, Andrew Ongteco, Aries Franco, Elmer Latonio, Jose Go, at Ramon Mabanta sa opensa ng FCVBA 60s para maitarak ang 51-35 bentahe.

Unang dinurog ng Pinoy squad ang Indonesia ASABA, 60-40, sa opening day.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Target ng koponan, itinataguyod nina Rain or Shine’s Terry Que, Freego’s Eduard Tio at Ironcon’s Jimi Lim, na makumpleto ang elimination sweep sa pakikipagtuo sa Miri ng Malaysia Miyerkules ng gabi.

Puntirya din ng FCVBA 65s squad na mawalis ang group elims laban din sa Miri.

Inaasam ng 60s squad ang ikaapat na sunod na kampeonato sa liga, habang puntirya ng 65s squad ang ‘three-peat’ sa taunang torneo.

“I’m hoping we can make three in a row this time,”pahayag ni Lim , tumatayo ring head of the delegation.

-REY LACHICA