Mas mataas kung ituring ng Department of Finance (DoF) ang food inflation, o pagsipa ng presyo ng mga pagkain, kumpara sa non-food items.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni DoF Assistant Secretary Antonio Lambino na naitala ang 8.5 porsiyentong pagtaas sa presyo ng mga pagkain, na gawa sa bansa.

Dahil dito, ipinahayag ni Lambino na may mga hakbang nang ipinatutupad ang gobyerno para maibsan ang epekto ng pagsirit ng presyo ng food products.

Kabilang sa mga tinukoy ng binuong economic development cluster, na tutugon sa mataas na inflation rate, ay ang direktang pagbagsak sa pamilihan ng mga aangkating produkto, katulad ng isda, karne at bigas; implementasyon ng rice tariffication; at pagpapaigting ng monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at farms groups sa supply at bentahan ng mga produktong pagkain sa merkado.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Paliwanag pa ni Lambino, hindi gaanong apektado ng mataas na inflation ang mga lalawigan, kung saan sagana ang supply ng agricultural products.

-Beth Camia