Pinagbigyan ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ng Kongreso na ipagpaliban ang paghahain ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa May 13, 2019 National and Local Elections (NLE).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, iniutos ng Comelec en banc na ilipat ng petsa ang paghahain ng kandidatura, na mula Oktubre 1-5 ay ginawa itong Oktubre 11-17.

Ang Oktubre 11 ay natapat sa a Huwebes habang ang Oktubre 17 naman ay Miyerkules.

Hindi naman tatanggap ng CoC ang Comelec sa Oktubre 13 at 14, dahil natapat ang mga naturang petsa sa Sabado at Linggo, ayon sa pagkakasunod.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

“This just in: the Comelec en banc has authorized the re-scheduling of the filing of certificate of candidacies for the #2019NLE, to October 11-17, 2018, excluding Saturday and Sunday,” abiso ni Jimenez.

Sinabi nito, pinal na ang naturang mga petsa at hindi na sila magpapatupad pa ng anumang pagpapalawig nito.

“On the last day, there will be no extension of filing hours. Please be advised,” aniya pa.

Nauna nang inirekomenda ng Senado at Kamara sa Comelec na iurong ang petsa para sa filing ng CoC.

-Mary Ann Santiago