ISA pang makapigil-hiningang panoorin ay ang trailer ng “Virgo”, ang isa sa episode ng pelikulang Tres ng magkakapatid na Cavite Vice Gov. Jolo, Bryan, at Luigi Revilla. Si Bryan ang bida sa “Virgo”.
Siksik din sa aksiyon ang “Virgo” ni Bryan, katulad ng “72 Hours” ni Jolo, na ipinapanood sa entertainment press sa ginanap na solo presscon ng una last week.
“Virgo” ang episode, na ipinangalan sa karakter ni Bryan sa pelikula, isang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nag-iimbestiga sa kasong kinasangkutan ng tatay niya na miyembro ng sindikato.
“Virgo is an undercover agent na naulila dahil ang tatay niya ay part ng crime syndicate. Eventually he becomes a cop. Nagkataon na iniimbestigahan niya ‘yung kaso na kadugtong sa pagpatay ng family. All throughout the film, it’s full of surprises and hope you enjoy it,” tipid na kuwento ni Bryan nang makausap namin pagkatapos ng presscon, at kasama niya sa episode sina Carla Humphries at Joey Marquez, na idinirek ni Richard Somes.
Nabanggit din na namumukod-tanging ang “Virgo” episode ni Bryan ang sinyut ng full length.
“When you have the director that’s dedicated to doing what he likes, he really pushes the end. Sabi niya, ‘Bryan kung isu-shoot natin ito ng 35 minutes sayang naman. Bakit hindi na lang nating full-length kaya naman nating gawin?’ Sabi ko, sige why not, let’s do it. So, we shot it full-length. Then we shot to 35 minutes release for this one, so hopefully, in the future we get to show you guys the full-length,” kuwento ng nagbabalik na action star.
Inamin ng panganay nina ex-Senator Bong Revilla, Jr. at Bacoor Mayor Lani Mercado na alanganin siya sa pagbabalik-pelikula niya dahil kung hindi kami nagkakamali ay Resiklo pa ang huling pelikula na ginawa ni Bryan, kasama ang mga kapatid at Daddy niya, taong 2007.
Pero dahil tatay niya ang humiling at ideya nito ang Tres kaya umoo si Bryan, at para buhayin ulit ang action movie sa showbiz, tulad ng ginawang pagbuhay dito ni Coco Martin sa telebisyon, sa pamamagitan ng FPJ’s Ang Probinsyano kung saan nakasama ang kapatid niyang si Jolo.
Sobrang laking pasalamat nga ni Bryan sa lahat ng kasama niya sa “Virgo”, lalo na kay Direk Richard, dahil tinulungan siya.
“Nagtanong ako kung may mga mali ako sa mga eksena, kasi talagang nangangapa ako,” saad ng aktor.
Natanong din si Bryan kung sino sa tingin niya ang magaling na artista sa kanila nina Jolo at Luigi (half-brother).
“May kanya-kanya, we’re all good at something. Na kunwari ako, dito ako magaling sa reaction na ‘to, si Luigi dito, si Jolo dito. So, with us, three, you’ll have different flavors kumbaga. Parang kape lang, parang 3-in-1,” nakangiting sabi ni Bryan.
May cameo role pala si Mayor Lani sa “72 Hours” kaya natanong si Bryan kung okay lang na wala sa “Virgo”.
“Alam ko namang mahal ako ng nanay ko so, those things don’t really matter,” tumawang sambit ng binata.
Ire-request ba nilang magkakapatid na Jolo, Bryan at Luigi na sana makadalo ang tatay nila sa premiere night nito.
“Sana, pero I don’t think so. But maybe sana, but I doubt,” sambit ng aktor.
Napunta ang usapan kung ano ang nami-miss ni Bryan sa amang si Senator Bong, na apat na taon ng nasa piitan sa Camp Crame.
“I missed ‘yung Sunday na magkakasama kami na hindi sa loob ng Crame kundi sa loob ng bahay. Going to dinner, as in buo ‘yung family, that’s one luxury that I don’t have for four years. I was deprived of that, ‘yung magkakasama kami na kakain sa labas, manonood ng sine na magkakasama, bakasyon kayo na kasama ang buong pamilya.
“That’s something that I was deprived of, and it’s sad. ‘Yung normal para sa ibang tao, for us it’s not normal. Iba ‘yung normal namin. It’s tough but it is what it is.
“It changed my whole life. It has been four years already. ‘Yung process na ‘yun, it was tough but you have to do what you have to do in order to survive, and that’s something that I’ve learned.
“I am just happy that with regards in those dark times, our family is stronger. Our faith is stronger. Our relationship with God is stronger.” Gaya ni Jolo, “freedom” din ang wish ni Bryan para sa ama, na magdiriwang ng kaarawan nito sa Setyembre 25.
Mapapanood na ang Tres sa Oktubre 3, produced ng Imus Productions at released ng Cine Screen ng Star Cinema.
-Reggee Bonoan