MAKAPIGIL-hininga pala ang episode ng FPJ’s Ang Probinsyano nitong Lunes, kaya naman pala nagsisigawan ang mga nanonood nito.

Coco copy

Mismong mga kaibigan naming taga-GMA 7 ay nanood pala ng nasabing serye ng Dos nitong Lunes, at ang sabi sa amin: “Grabe, aatakehin kami kay Cardo (Coco Martin)! Ha, ha, ha!”

Biniro namin siya: “Hala, ‘di ba dapat ‘yung programa (katapat ng Ang Probinsyano) ninyo ang pinapanood n’yo?”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Kay Cardo kami. Mas exciting, mas exciting! Nabaril na ang Presidente, ‘yun ang dapat abangan,” tumatawang sagot sa amin.

Hindi na namin babanggitin kung sino, pero may nag-post din sa social media na may koneksiyon din sa GMA na talagang sinusubaybayan pala nila ang programa ni Coco. Aliw nga kasi wala silang palya.

Anyway, ang dami nang namatay na malalaking pangalan sa FPJ’s Ang Probinsyano, tulad ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla, na head ng Presidential Security Command ni Rowell Santiago bilang President Oscar Hidalgo.

Feeling namin kaya kailangan na ring mamaalam si Jolo dahil nakatakda siyang lumipad papuntang Amerika para mag-aral sa Harvard University. ‘Yun nga lang, dinig namin ay hindi niya expected na mapapadali ang pagkawala niya.

At sa episode nitong Lunes ay ‘tila hindi na rin mabubuhay ang pamilya ng presidente, na sina Dawn Zulueta, Francis Magundayao, Nayomi Ramos, at Ryza Cenon dahil lahat sila ay kritikal.

Ang tanong ng madlang pipol, mabubuhay kaya si Oscar Hidalgo (Rowell) dahil hindi naman siya itinakbo sa hospital ni Cardo kundi dinala niya sa hide out nilang mga Vendetta?

Kaya talagang aabangan mo ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa makapigil-hiningang kuwento nito.

“Masarap manood ng Cardo kapag may konting inuman, kasi masarap ang kuwentuhan. Lalo na ‘pag ang pulutan mo ay corned beef at sardinas,” hirit pa sa amin ng taga-GMA.

Ha, ha, ha! Kalurkey! Binanggit ang mga ineendorso ni Coco.

Anyway, tatlong taon na ang Ang Probinsyano at sa loob ng mahabang panahon ay napanatili nito ang mataas na ratings, at higit sa lahat pang-14 show na pala ang programang kasalukuyang itinatapat dito ng GMA–7.

-REGGEE BONOAN