MAKATITIYAK nang maayos na kinabukasan ang mga Pinoy boxers at kanilang pamilya, gayundin ang ibang combat sport matapos maaprubahan sa mataas na kapulungan ang bagong batas.
Walang kumontra sa panukala ni Senador Manny Pacquiao na isulong ang Senate Bill No. 1306 o “Philippine Boxing and Combat Sports Commission Act of 2018” (PBCSC)
Sa botong 20-0, ang naturang panukala ay naglalayong maging matatag ang kinabukasan ng mga retirado, gayundin yaong mga naratay sa banig ng karamdaman.
Sinabi ni Pacquiao na malawak ang saklaw ng Games ang Amusement Board (GAB) kung kaya’t makasisiguro ang mga boxers na mas matutuunan ang kanilang mga panganggailagan sa naturang bagong batas.
Si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang unang kumontra sa panukala pero kalaunan ay sumuporta na rin matapos matikas na kasama ang iba pang contact sports.
“Any sport, martial art or activity that involves, in accordance to the applicable regulation, striking, kicking, hitting, grappling, throwing and or punching opponents,” aniya.
Ang PBCSC ay bubuuin ng isang Chairman at apat na myembro at nasa kapangyarihan ng Office of the President.
Nakasaad sa bagong bata na ang lahat ng mga professional boxers, combatants ay isasama sa Social Security System (SSS), National Health Insurance Program-Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at the Home Development Mutual Fund (PAG-IBIG).
Sinabi rin ni Pacquiao na dadaan sa physical at medical examinations, emergency medical services, at magkakaroon din ng alternatibong livelihood programs sa mga retirado at may mga kapansanang atleta.
“We are aware that some have met their untimely death due to the lack, if not absence, of safety and emergency medical services while others face retirement without any kind of financial assistance or access to medical care,” ani Pacquiao.
-Leonel M. Abasola