Sinabi kahapon ng Philippine Consulate sa Guam na wala itong natanggap na ulat na mayroong Pilipino sa Northern Marianas na matinding naapektuhan ng Bagyong Mangkhut.

Ayon kay Consul General Marciano de Borja patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanyang opisina sa mga lider ng 63,000-strong Filipino communities sa Guam at Northern Marianas, gayundin sa Guam Office of Civil Defense.

“The Philippine Consulate General in Agana said that so far it has not received any report of any among the 43,000 Filipinos in Guam and the 20,000 in the Northern Marianas being adversely affected by the cyclone,” ani Borja sa ulat sa Home Office sa Manila.

Sinabi ni Borja na direktang tinamaan ng bagyong Mangkhut ang isla ng Rota sa Northern Marianas, at ang southern quadrant ay nakaapekto sa hilagang bahagi ng Guam, kabilang na sa Dededo at Tamuning.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ang Dededo ay ang pinakamataong distrito ng main island na mayroong libu-libong residenteng Pinoy habang sa Tamuning matatagpuan ang Consulate General.

Nakalabas na ang bagyo sa isla, ngunit patuloy na nakataas ang Conditions of Readiness 1 (nananalasa ang mapinsalang bagyo o inaasahan sa loob ng 12 oras) kapwa sa Guam at sa Northern Marianas.

-Roy C. Mabasa