MADRID (AFP) – Nagbitiw si Spanish health minister Carmen Monton nitong Martes matapos ang mga ulat ng diumano’y iregularidad sa kanyang educational qualifications.

‘’I have communicated to the head of the government my resignation,’’ ani Monton sa mga mamamahayag, iginiit na siya naging ‘’transparent and honest,’’ walang ginawang masama at malinis ang konsensiya.

Nasadlak sa kontrobersiya si Monton, 42, dahil sa kanyang masters mula sa University Rey Juan Carlos, kasunod ng eskandalo na binansagang ‘’mastergate’’ kaugnay sa kung paano nito iginagawad ang mga degree.

Naapektuhan ng kontrobersiya si opposition leader Pablo Casado, matapos nitong aminin na nakuha niya ang kanyang masters degree sa parehong unibersidad nang hindi dumadalo sa klase o pumasa sa exam.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina