NEW YORK (AP) — Ginunita ng mga Amerikano ang 9/11 nitong Martes sa taimtim na parangal habang pinuri ni President Donald Trump ang sandaling nilabanan ng Amerika pinakamalagim na terror attack sa lupain ng United States.

Labimpitong taon matapos ang trahedya, libu-libong mga kamag-anak, survivors, rescuers at ipa ang nagtipon sa memorial plaza kung saan dating nakatayo ang twin towers ng World Trade Center.

“To me, he is here. This is my holy place,” sinabi ni Margie Miller ilang oras bago ang pagbabasa sa mga pangalan ng halos 3,000 nasawi, kabilang ang asawa niyang si Joel Miller, nang bumangga ang hijacked jets sa mga tore, sa Pentagon at sa isang lupain malapit sa Shanksville, Pennsylvania noong Setyembre 11, 2001.

Nakiisa ang president at si first lady Melania Trump sa pag-obserba sa Sept. 11 memorial malapit sa Shanksville, kung saan bumulusok ang isa sa mga eroplano matapos mapagtanto ng 40 pasahero at crew members ang nangyayari at nagtangkang pasukin ang cockpit.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Tinawag itong “the moment when America fought back,” sinabi ni Trump na ang mga nasawi “took control of their destiny and changed the course of history.”