Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

2:00 n.h. -- UST vs FEU

4:00 n.h. -- UP vs Ateneo

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

MAIPOSTE ang ikalawang sunod na panalo para sa maagang liderato ang kapwa tatangkain ng Far Eastern University at University of the Philippines sa pagsalang sa nakalinyang double header sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament elimination n g a y o n s a A r a n e t a Coliseum.

PABITIN! Unahan sa rebound ang mga players ng Far Eastern University at La Salle sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa opening match ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament. Naitala ng Tamaraws ang upset, 68-61, nitong Sabado sa MOA Arena. (RIO DELUVIO)

PABITIN! Unahan sa rebound ang mga players ng Far Eastern University at La Salle sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa opening match ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament. Naitala ng Tamaraws ang upset, 68-61, nitong Sabado sa MOA Arena. (RIO DELUVIO)

Galing sa 68-61 paggapi sa last year losing finalist De La Salle sa una nilang laban, haharapin ng Tamaraws ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa unang salpukan ganap na 2:00 ng hapon.

Nagwagi naman kontra University of the East, 87-58, sa opening day, sasagupain naman ng Fighting Maroons ang defending champion Ateneo de Manila Blue Eagles sa unang edisyon ng “Battle of Katipunan” ganap na 4:00 ng hapon.

Mas naging matayog ang lipad ng Adamson Falcons laban sa Blue Eagles sa opening match, 74-70,

Tiyak na masusukat ng husto ang kahandaan ng Maroons kontra sa kanilang kapitbahay na sisikaping ibaon sa limot ang natamong opening weekend loss.

“We knew what to do regardless if it’s man or zone. There’s nothing out there that we haven’t prepare for,” pahayag ni UP coach Bo Perasol matapos ang panalo kontra UE.

“But this is just the start.I’m happy to get this win and we can capitalize with the momentum we got,” aniya.

Ibayong paghahanda ang kinakailangan at ipinangakong gagawin ng Ateneo sa mga susunod nilang laban.

Sa unang laro, dikdikang laban din ang inaasahang matutunghayan sa pagitan ng Tamaraws na gustong m a i p a g p a t u l o y a n g magandang simula ng season at ng Tigers na gaya ng Blue Eagles ay gusto ring makabangon sa natamong kabiguan sa una nilang laban sa kamay ng season host National University Bulldogs.

-Marivic Awitan