Mahigpit ang tagubilin ni Mayor Oscar Malapitan sa 188 punong barangay sa Caloocan City na hindi maaaring gamitin ang mga ambulansiya nang walang pahintulot ng Department of Health (DoH) at alinsunod sa isinasaad ng City Ordinance.

Nag-ugat ang direktiba sa reklamo sa Konseho, partikular kay Councilor Tino Bagus na ginagamit daw sa personal ni Chairman Alex Mangasar ng Barangay 14 ang kanilang ambulansiya at kung saan-saan daw ito nakararating. Kumukuha din umano ng mga empleyado si Mangasar para sa rescue operation nang hindi dumaan sa rescue training.

“There’s no wrong when it comes to helping, however, sometimes it will only worsen the situation if it’s not proper, so we must think the safety of our constituents first,” sabi ni Mayor Malapitan.

Sa Ad Hoc Committee meeting, humingi ng paumanhin si Mangasar.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Orly L. Barcala