CHAMP! Tinanggap nina (mula sa kaliwa) Danny Yalung, Evelyn Yalung, Kenneth Khoo, Hon. Brian Yalung, Hon. Barangay Captain Alan Tanada-Yam, Brgy. Treasurer Carlo Ventosa, Hon. Joen Songco, Joana Matutina, Sophia Caraan, John Michael O. Yalung (Kids Champion), Danielle Louise Quimpo, SK Chairwoman Kaira Ventosa, Ricky Dela Cruz (Men’s champion), Mattea Songco, Julian Bagtang at Jared Bagtang ang mga premyo matapos ang awarding ceremony sa ginanap na 2018 Barangay Greenhills Fiesta Bowl Champions (Kids and Teens Division) kamakailan.

MATAGUMPAY ang isinagawang 2018 Fiesta Bowl tournament ng Barangay Greenhills Council sa pamumuno ni Chairman Alan Tanada-Yam kamakailan sa E-Lanes Bowling Center sa Greenhills, San Juan City.

Bukas para sa lahat ng residente ng Greenhills, ang naturang torneo ay nagtampok sa mga bagong grupo ng mga kampeon sa Kids, Teens, Women’s at Men’s division. May nakalaang premyo at masaganang salo-salo ang ipinagkaloob ng Barangay Greenhills Council.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Batay sa regulasyon, binigyan ang bawat kalahok ng assigned handicaps na ibinase sa resulta ng kanilang kampanya sa nakalipas na torneo, habang ang mga bagong player ay may default handicap na 15.

Sa Kids division, tinanghal na kampeon si John Michael O. Yalung sa dikitang laban kontra Jared Bagtang (244-243). Pangatlo si Julian Bagtang (236).

Nangibabaw naman sa teen's division ang baguhang si J. Brenton Tan sa nakamit na 211 puntos laban kina Evan Chan (208) at ang last year’s winner Danielle Quimpo (204).

Nagwagi rin ang bagitong si Shirleen Tiu-Chan sa women’s category sa naiskor na 265 laban kina Barangay Greenhills SK Chairman Kaira Ventosa at Evelyn San Juan na kapwa umiskor ng 242.

 Sa men’s class, namayagpag si Ricky Dela Cruz sa iskor na 320. Naitala rin niya ang best scratch score na 188. Sumegunda si Kenneth Khoo (317) at Danny Yalung (286).