IPINARATING ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman Senator Sonny Angara ang pasasalamat ng sambayanan sa desisyon ng FIBA na payagan makalaro bilang local player sa Team Philippines-Gilas si Barangay Ginebra slotman Greg Slaughter.

“We extend our heartfelt thanks to FIBA for allowing our very own Greg Slaughter to play for our national team in the World Cup Asian qualifiers without restriction,” pahayag ni Angara.

Bukod sa FIBA, kinalugdan din ni Angara ang pamunuan ng SBP sa sakripisyong ginawa para maiparating sa FIBA ang lahat ng kinakailangang dokumento na magpapatibay sa Nationality ng 7-footer na Fil-Am star.

“We also express our gratitude to Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) for all its efforts in convincing FIBA to make Slaughter eligible to play for Team Pilipinas. I share the country’s excitement to see Slaughter play with the rest of our national team players starting next week in Iran. A seven footer is a seven footer. He is certainly a welcome addition to the team. This development will further strengthen the roster of Team Pilipinas and uplift the morale of our basketball players to fight with their hearts,” pahayag ni Angara.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Biyaheng Tehran, Iran ngayong araw ang mga bataan ni coach Yeng Guiao para sa duwelo kontra Iran sa FIBA World Cup Asia qualifying sa Setyembre 13. Habang mapapalaban ang Nationals sa Qatar sa September 17 sa closed-door match sa Araneta Coliseum.