BILANG bahagi ng Corporate Social Responsibility, ipagkakaloob ng PTT Run for Clean Energy Year 2 ang bahagi ng entry fee sa PTT Philippine Foundation upang magamit sa isinusulong na environmental program ng kompanya.
Ipinahayag nina Vittaya Viboonterawud, Director for Commercial Fuel and Lubricants PTT Philippines at Piyapoom Seechang, Business Development Executive PTT Philippines ang mapagkawang-gawa na programa sa kanilang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Tapa King Restaurant sa Cubao.
Nakatakda ang PTT Run for Clean Energy Year 2 sa Setyembre 16 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) grounds.
“PTT plays an active role in the community and has been an advocate of efforts to preserve the environment. For years, we conduct mangrove planting and do livelihood assistance program thru shrimps and crabs dispersal as part of our community development program and environmental advocacies,” sambit ni Viboonterawud. “We're glad that we can continue these advocacies with the boost from the Run for Clean Energy.”
Kasama ring nakiisa sa programa sina Subterranean Ideas' Matt Ardina, project manager; at Glenndale Atmosfera, race/marshal manager.
Bukas pa ang pagpapatala hanggang Sept. 13 sa Chris Sports Outlets sa SM Manila, SM Mall of Asia at SM North EDSA. Puwede rin ang onsite registration bago simulan ang karera.
Sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan sa
Mobile no. 09186002411 (Smart), 09953248315 (Globe) gayundin sa landline 9759584 para sa karagdagang detalye.
Itinataguyod ang karera ng PTT Lubricants, Cafe Amazon, Wish 107.5, Chris Sports, Milcu, Leslie's Corp., ChloRelief, Lubie, Coca-Cola, La Filipina, Emilio Aguinaldo College, Maynilad, Herbalife, Vegemore, Science in Sport, Medicard Foundation, Ripples Daily, Gold Seas, Maynilad, Business Mirror at Business Mirror Health and Fitness Magazine, Village Connect, Philippine School of Business Administration, Mariano Marcos High School Batch '91 at St. Dominic College.
Naghihintay ang iba’t ibang gadgets tulad ng smartphones, home camera, headphones, bluetooth speakers, watches at iba sa raffle draw na isasagawa matapos ang karera.
Mapapanood din sa mini concert ang Cahlio band na pinangungunahan ni Lester Llansang at ang sumisikat na si Dotty Chan.
Ang entry fee sa tace categories ay 10k (P520), 5k (P420) at 3k (P320), kasama ang race shirt, race bib at giveaways. Makatatanggap ng premyo ang top three male at female runners sa 10k at 5k.