IGINAWAD ng Literacy Coordinating Council (LCC) ng Department of Education (DepEd) ang “Coffee Table Book” award sa lokal na pamahalaan ng Flora sa probinsiya ng Apayao, para sa pagsasanay nito sa mga out-of-school youth (OSY) at may mga kaso ng paglabag sa batas (CICL) upang maging mga negosyante at mabuting mamamayan.

Ang Flora, Apayao ang nag-iisang pambato ng Cordillera sa national literacy council search, sa programa nitong tinatawag na “Panangus-usi”, terminong Isnag na nangangahulugang “to change”.

“It’s our dream to transform these children to become better individuals. Being the government, we have to address the problem of children getting involved in illegal activities and later against getting involved in illegal drugs,” pahayag ni Flora Mayor Rodolfo Juan.

Ayon kay Juan, sinimulan ang programang “Panangus-usi” noong 2014, nang mapansin nilang tumataas ang bilang ng mga OSY, na lumalabag din sa batas.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bahagi ng programa ang pagbibigay ng mga pagsasanay sa mga bata upang ilayo ang kanilang isip mula sa mga ilegal na aktibidad at bagay—habang hinahayaang kumita.

Kabilang sa mga itinuturong kakayahan ang paghahabi ng doormat gamit ang lumang kulambo. Nakalikha at nakapagbebenta rin sila ng mga bag mula sa katulad na materyales na binibili ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan.

Idinagdag din ng alkalde na kasama rin sa programa ang spiritual awareness, upang makatulong na magkaroon ng positibong ugali ang mga bata.

“Spiritual development makes a person stay away from illegal activities. It prevents them from committing infractions and offenses,” aniya.

Kabilang dito ang talakayan, counselling, stress management, moral recovery at pangkatang aktibidad upang mapaunlad ang interpersonal skills ng mga bata.

Nabanggit din ni Juan na ang programa para sa OSY-CICL ay pinalawig upang maisama ang mga kabataang drug surrenderers sa bayan at ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“To curb the problems on illegal drugs and in order to attain a peaceful municipality to live, to work, and to do business, we used the same program for the drug surrenderers,” ani Juan. “sThis is to make them realize that after getting involved in crimes or illegal activities, they still have to change and even transform to become better citizens.”

“It is our priority to achieve a healthy community for the young generation, to provide good service, easy access to income-generating activities, and of course, to education,” paliwanag niya.

Bukod sa Apayao, nakatanggap din ng “Coffee Table Book” award ang “ALS Eskwela sa Bawat Brigada Dala ay Pag-asa” ng National Capital Region; “LIPAD: Levelling-up local literacy program” ng Region 1 (Ilocos); “Be Juanas (One of Us) Towards A Strong Community” ng Region 2 (Cagayan Valley); “May Forever sa ALS” ng Region 3 (Central Luzon); “Journey of a Loving Heart” ng Region 4-A (Calabarzon); “Layag Cuyo” ng Region 4-B (Mimaropa); “Bangkarunungan: Yellow Boat of Hope now sails in Caramoan Peninsula” ng Region 5 (Bicol); “Developmental Union of Yearnings and Actions for the Needy” ng Region 6 (Western Visayas); “ALS Single Mother, Nangangarap na aangat... ALS ang katapat” ng Region 7 (Central Visayas); “Project Tablet” ng Region 8 (Eastern Visayas); “ALS brings hope behind bars” ng Region 9 (Zamboanga Peninsula); at “Hope in the midst, Caraga: No longer a Tamla” ng Region 12 (Soccsksargen).

PNA