LAS VEGAS — Inilarga ng PBA Board ang ilang pagbabago sa Charter ng liga, tampok ang pagbibigay ng tatlong taong termino para sa Commissioner at muling pagsasagawa ng halalan imbes ang nakaugaliang ‘rotation’ para sa posisyon ng Board Chairman.

Epektibo ang bagong rules kay Willie Marcial, pumalit kay Chito Narvasa matapos ang kontroversyal na desisyon ng Board, bilang commissioner hanggang 2021.

Dadaan naman siya sa taunang ‘vote of confidence’ ng Board at posible pa ring mapalitan sa pamamagitan ng 2/3 vote na kung pagbabasehan ang impluwensya ni Marcial sa kasalukuyang Board ay imposibleng magkaroon ng gusot.

May karapatan naman ni Ricky Vargas, pangulo rin ng Philippine Olympic Committee, para sa reelection bilang PBA chairman sa ika-44 seasom sakaling pagtibayin ang kasunduan na daanin na muli sa election ang pagpili imbes na awtomatikong paglilipat ng kapangyarihan sa incumbent vice chairman.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa kasalukuyan, si Dickie Bachmann ng Alaska Aces ang second-in-command sa PBA Board.

Ilan pang provisions sa PBA constitution and bylaws ang inaasahang sisilipin at aayusin bago matapos ang planning session ng Board nitong Sabado sa Venetian Hotel dito.

“We’ll review our bylaws since there are maybe 20 items there that have to be changed,” pahayag ni Vargas.

Inaasahan ding aayusin ang kasalukuyang sistema sa pagpapataw ng sanctiones at penalties sa mga players, officials at team.

“We’re improving our loyalty program and rewarding in-venue fans with more thrilling and fun spectator games and activities,” ayon kay Marcial.

-TITO TALAO