KABUUANG 7000 atleta, coach, official at supporting personnel ang kalahok at makikibahagi sa Batang Pinoy National Finals simula Setyembre 15 sa Baguio Athletic Bowl sa Baguio City.
Handang-handa na ang lahat ayon Kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez para sa pinakamalaking torneo sa grassroots level ng pamahalaan.
Nagpadala rin ng imbitasyon ang local na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Mauricio Domogan, kay Pangulong Duterte para maging panauhing pandangal sa opening ceremony.
“As in all events, there are still some details that need to be fine-tuned, but all in all we are ready. Baguio is a gracious and cooperative host,” ani Ramirez. “We have been doing this for some years now. We want to be able to present a much improved event,” aniya.
Kabuuang 27 sports discipline ang nakatakdang paglabanan upang masungkit ang 1000 medalya na nakataya dito.
Gagawin ang 21 sports sa Baguio City at anim ang ilalarga sa kalapit na lalawigan ng Benguet.
-Annie Abad